DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA
KONTEMPORARYONG ISYU
GRADE 10
I. Layunin
Sa loob ng isang oras, ang mga mag aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga karahasan na kinakaharap ng mga
Kababaihan .
2.
Nakabubuo ng mga paraan upang maipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan laban
sa karahasan.
3.
Nakapagsasagawa ng mga paraan upang maipakita ang pagsalungat sa mga karahasan
na kinakaharap ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagbubuo ng slogan, spoken
poetry, bukas na liham at impromptu speech na tumatalakay sa matibay na
pagsalungat sa karahasan sa kababaihan.
II. Nilalaman
A. Paksa: Karahasan
sa Kababaihan
B. Mga
Konsepto: Foot Binding, Breast
Ironing, Female Genital Mutilation
C. Sanggunian: Kontemporaryong
Isyu Learning Material PDF, Teacher’s Guide
D.
Mga Kagamitan: Komiks na gawa sa
Tarp-Papel, Task Card, Exit Pass Card,
LED TV Chalk and Board, Kartolina, Marker
III. Pamamaraan
Gawain ng
Guro
|
Gawain ng
mga Mag aaral
|
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin/Pagbati
Magandang
Hapon sa inyong lahat!
Bago natin
simulan ang ating klase, tayo muna ay magsitayo para sa panalangin na
pangungunahan ng inyong kamag-aral.
Muli,
magandang hapon ulit!
4. Pagsasaayos ng Silid
Bago muna
kayo magsiupo, pakipulot ang mga kalat sa ilalim ng inyong upuan. Salamat
3. Pagtatala ng Liban
Class
Monitor, mayroon bang lumiban sa klase sa araw na ito?
Magaling!
4. Balik Aral
Ano ang mga
natalakay natin sa nakaraang aralin? Maari niyo bang ibahagi sa klase?
Yes Desiree?
Mahusay!
Maari ba kayong magbigay ng ilan sa mga diskriminasyong ito na kinakaharap ng
mga kababaihan at iba pang kasarian?
Magaling! Sa
kabila ng diskriminasyong nararanasan ng mga kababaihan at iba pang kasarian,
may mga hakbangin ba silang ginagawa upang maipaglaban ang kanilang
karapatan?
Mahusay ang
iyong tinuran! Ngayong alam na ninyo ang mga diskriminasyong naranasan ng mga
kababaihan, handa na kayo para sa ating panibagong tatalakayin.
B. Pagganyak
Ngunit
bago ang lahat, nais kong pag aralan ang komiks na nasa pisara. Maari ba
kong magtawag ng maaring mag-impersonate ng mga diyalogo sa komiks?
(Pipili ng tatlo mula sa mga mag aaral na
siyang magbabasa ng may damdamin sa mga dayalogong nasa komiks. Maaring
tumawag muli kung hindi sapat ang damdaming inilaan ng mga mag aaral na
napili).
Magaling!
Palakpakan natin sila. Pero hindi diyan nagtatapos yan. Mula sa binasang
dayalogo, sagutin ang mga sumusunod:
1. Tungkol
saana ang komiks?
Tama!
2. Sa inyong
palagay, makatwiran baa ng pakikitungo nito sa kanyang asawa?
Magaling!
3. Sa inyong
palagay, anong isyu ang ipinapakita nito?
Tama! Ano
pa?
Tama! At yan
ang tatalakayin natin ngayon. Ilan lamang iyan sa mga karahasang nararanasan
ng mga kababaihan sa ating lipunan . Tatalakayin din natin ang mga karahasan na nararanasan ng
mga kababaihan sa iba’t ibang lipunan sa mundo.
C.
Paglalahad
Panlinang na
gawain: Pangkatang gawain (Pagsusuri ng News Article)
(Bumuo ng
apat na grupo at pagkatapos ay bigyan ang bawat grupo ng isang
kartolina/manila paper at marker para sa gawain. Ibabahagi mo din anh isang
news article tungkol sa talakayan sa bawat grupo. Matapos maisagawa ang lahat
ng ito ipasagot ang mga katanungang inihanda mo at ibabahagi ng mga mag aaral
ang kanilang nagawa. Ang paghahanda nila ay limitahan lamang sa sampung minuto
at ang nalalabing sampung minuto ay ilalaan para sa presentasyon ng kanilang
nagawa.
Mga Gabay na
Tanong
1. Tungkol
saan ang News Article?
2. Paano
isinasagawa ang nasabing karahasang ito?
3. Bakit ito
ginagawa?
4. Sa iyong
palagay, makatarungan baa ng ganitong uri ng karahasan?
Magaling ang
inyong ginawa! Bukod pa sa inyong nabanggit, heto pa ang istadistika na
nagpapakita ng karahasan na kinakaharap ng mga kababaihan.
(Ipapakita ang presentasyon gamit ang powerpoint
presentation)
Mula sa mga
istadistikang ito, ano ang inyong mahihinuha?
Magaling!
D. Pagpapahalaga
Sa mga
nabanggit na karahasan na kinakaharap ng mga kababaihan, bilang isang mag
aaral ano ang mga hakbang o paraan na maari mong ibigay upang maipakita ang
iyong pagtutol sa mga karahasang ito.
E. Paglalahat
Bago kayo
pumasok kanina sa silid aralang ito ay may ibinigay ako sa inyong mga Exit
Pass Card. Ano ang nakalagay sa mga card na iyan?
Tama! Mula
sa ating naging talakayan, ano ang mga natutuhan ninyo? Isulat sa Exit Pass
Card niyo at pagkatapos ng isang minuto ay tatawag ako ng magbabahagi ng
kanilang natutuhan ngayon.
Tapos na ang
lahat? Thumbs Up! Ngayon sino ang gustong magbahagi ng kanyang natutuhan
ngayon?
Magaling na
pagpapaliwanag!
F. Paglalapat
Pangkatang
Gawain: Isagawa ang mga sumusunod na performance based assessment. Gumamit ng
rubrics sa pagmamarka.
Task Card #
1: Slogan
Task Card #
2: Bukas na Liham
Task Card #
3: Spoken Poetry
Task Card #
4: Impromptu Speech (Talumpating hindi Handa)
(Ang panuto
ng gawain ay nakalagay na sa mga Task Card at ang rubics sa pagmamarka. Dito
na rin ilalagay ang marka ng bawat pangkat).
|
Magandang hapon din po Ginoong Orogan!
(Tatayo ang
mga mag aaral sa panalangin)
Magandang hapon din po!
(Pupulutin
ng mga mag aaral ang kanilang kalat)
Class Monitor: Sir lahat po ay naririto.
Desiree: Ang natalakay po natin ay tungkol sa sa
iba’t ibang uri ng diskriminasyon na kinakaharap ng mga kababaihan sa iba’t
ibang lipunan.
Sir, ang mga kababaihan po sa ilang lipunan sa
mundo ay ay hindi binibigyan ng karapatan na makapag aral tulad ng naganap sa
bansang Pakistan.
Opo Sir mayroon po silang mga hakbang na ginagawa
tulad ng isang babae na nagngangalang Malala Yousafzai ng Pakistan na buong
tapang na nakipaglaban upang makamit ang pantay na karapatan ng mga
kababaihan sa Pakistan laban sa mga Taliban.
(Hayaan ang
mga mag aaral na magtaas ng kamay at pumili ng tatlo mula sa klase).
Sir, ito po ay tungkol sa isang pamilya. May isang
ama po na sinasaktan ang kanyang asawa dahil sa hindi nito maibigay ang
hinihingi ng asawa.
Sir hindi po dahil ang pera na gagastusin nila ay
inilalaan ng ina sa gamot na para sa sakit ng kanyang anak.
Ipinapakita lamang Sir ng komiks ang isang senaryo
ng pananakit ng lalaki sa babae sa pamamagitan ng pisikal maging emosyonal na
pananakit.
Sir maari din pong matawag na karahasan sa
kababaihan dahil ito ay manipestasyon lamang na hindi makatarungang pagtrato
sa kanila.
(Pangkatang
Gawain)
(Hayaan ang
mga mag aaral na sumagot sa mga katanungan)
Pagtatanghal
ng mga gawain ng mag aaral
Sir, ang mga kababaihan ay nakakaranas ng iba’t
ibang uri ng mga karahasan na may iba’t ibanga anyo tulad ng karahasang
sekswal, emosyonal, at pisikal.
(Hayaan ang
mga mag aaral para sa isng bukas na diskusyon)
Sir, ang nakasulat po ay “Ang Aking Natutuhan”.
(Ang mga mag
aaral ay magtatala ng kanilang mga natutuhan mula sa talakayan).
(Ang mga mag
aaral ay magtataas ng kamay at magbabahagi ng kanilang natutuhan).
(Pangkatang
Gawain)
|
IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang
hinihingi ng bawat pahayag. Maari kang sumangguni sa word pool sa ibaba. Ilagay
sa patlang ang tamang sagot.
_________________________1.
Ito ay tumutukoy sa anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa
pisikal, sekswal o mental na pananakit o pagpapahirap sa mga kababaihan, kasama
na ang mga pagbabanta at pagsikil ng kanilang kalayaan.
_________________________2.
Ang karahasang ito ay isinasagawa sa China na kung tawagin ay Lotus feet na
sumisimbolo ng kagandahan para sa kanila.
_________________________3.
Isang proseso ng pagbabago ng ari ng kababaihan nang walang anumang benipisyong
medical. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid
dungis ang babae hanggang siya ay maikasal.
_________________________4.
Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng
martilyo o spatula na pinainit sa apoy.
_________________________5.
Itinakda ito bilang International Day for the Elimination of Violence Against
Women ng United Nations.
Karahasan sa
Kababaihan Foot
Binding
Breast
Ironing/Flattening Female
Genital Mutilation
Nobyembre 25
|
V. Takdang Aralin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Anu ano ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan
upang matugunan ang mga isyu at hamon sa kasarian at lipunan?
Sanggunian: Learning Material pahina 310-317
REFLECTION
I consider this as my best lesson
plan because I used this to my final demonstration teaching. I ensure that this
lesson plan anchored with the cognitive, affective and psychomotor domains in
order to attain the desired outcomes from the student. My learning objective
was measurable and attainable in just one hour. In terms of choosing the topic,
it is very observable in the society so it is for me to deliver the topic,
Violence Against Women. I also used teaching strategies and methods such as
collaborative and cooperative learning in order to enhance learning. In the
assessment stage, I let the student engage in performance task so I prepared a
performance task card for easy explanation about what they are going to do.
Luckily, they are able to achieve my set objectives to them because they
perform very well. The materials that I use are recycled materials that I
obtain from the school and with the help of my co student teacher and my
cooperating teacher, I am able to utilize the materials very well. In the
lesson proper, I follow what is written from preliminary part until to the last
part which is the application stage. Finally, I give assignment from the next
lesson and followed the desired way of giving follow ups. I put the learning
material that they can visit and of course the page number for them to easily
find it and answer their assignments.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento